Top 5 Reasons Why Nasa Online Business Ako

Share with:

Natanong mo na ba ang sarili mo kung bakit ginagawa mo ang mga bagay na ginagawa mo sa ngayon? Madalas kong tinatanong sa sarili ko yan at etong mga ishe-share ko sayo ang lagi kong naiisip na dahilan.

1) Hindi ako mag o-OFW. Lumaki ako na OFW ang tatay ko at halos hindi ko sya nakilala. Ayoko na mangyari din to samin ng mga anak ko.

2) Naranasan ko na hindi sagot sa kahirapan ang pago-OFW. Karamihan iniisip malaki ang kita basta naga-abroad. Kung totoo yan, bakit lagi pa rin kami hirap, nagtitipid at walang ipon?

3) College ako ng napansin ko na puro negosyante ang tunay na mayaman. Tama ka, mukha din mayaman yung mga presidente ng company pero kitang kita mo sa mukha nila yung stress. Gusto mo ba ng ganun? Kung kagaya mo ko, ayoko din nun.

4) Maliit ang chance na maging presidente ng company. Oo, pwede mo ipaglaban yan hanggang sa ma-stress at haggard ka. Pwedeng makuha mo pero mas malamang hindi. Lumingon ka lang sa kaliwa at sa kanan mo, nakita mo na kung gano kaliit yung chance? 6 years na rin akong empleyado.

5) Oras, napakaraming oras ang nasasayang. Unang una yung traffic, alam mo yan kung bumabyahe ka commute man o may sariling sasakyan. Pangalawa, 9 hours ng buhay natin napupunta sa bagay na wala naman tayong interest at malamang sa malamang ay hindi nage-enjoy. Swerte mo na lang kung passion mo yang napasok mo. 🙂

Kaya dito na ko sa nasa bahay lang, kasama ko pa mga mahal ko sa buhay at mas malaki ang chance na kumita ng malaki para mabigyan ko sila ng maayos na pamumuhay.

Kung gusto mo rin ng ganitong lifestyle, panoorin mo tong 3 Free Video Training Series para malaman mo kung pano. Click Here To Watch Now!

Naka relate ka ba? Kwentuhan mo rin ako sa comment box dito sa baba.

I'm your Business Automation Expert and I will share to you valuable information sa blog na to. Go ahead, comment, sit back and enjoy!

Share with:

There are no comments

Speak your mind by commenting below.

Your email address will not be published. Required fields are marked *